Mga kumpanya, hinihikayat ng Palasyo na magpatupad pa rin ng work-from-home kahit na nasa ilalim na ng GCQ ang Metro Manila

Hinihikayat ng Palasyo ang mga kumpanya na magpatupad pa rin ng work-from-home arrangement sa kanilang mga empleyado.

Kasunod ito nang deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na mapapasailalim na sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila simula sa darating na Lunes, June 1, 2020.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, dahil sa limitadong kapasidad ng public transportation, mas mainam na kalahati lamang ng work force ang papasok sa opisina habang ang kalahati ay mananatiling work-from-home.


Sa ilalim ng GCQ, mas maraming industriya o negosyo ang magbubukas, mayroon na ring public transportation pero ito ay limitado lamang sa 50% ang capacity.

Payo nito, upang hindi mahirapan ang mga empleyado na pumasok dahil sa limitadong transportasyon, mas makabubuti kung magpapatupad pa rin ng work-from-home.

Una na ring sinabi ni Pangulong Duterte at ng mga eksperto na hangga’t walang bakuna laban sa COVID-19, hindi pa rin ligtas ang lahat na lumabas.

Facebook Comments