Mga kumpanyang hindi nag-reregular ng empleyado, posibleng ipasara ayon sa DOLE

Manila, Philippines – Nagbanta ang Dept. Of Labor and Employment sa mga kumpanyang hindi nagreregular ng kanilang mga empleyado na padadalhan agad ng Compliance Order ng ahensiya.

Nakasaad sa Notice na dapat ipaliwanag ng kumpanya kung bakit hindi pa nito nireregular ang kanilang empleyado, ilan at sinu-sino ang dapat na ireregular.

Ayon kay Labor Under Secretary Joel Maglunsod ang ipadadalang Compliance Order ay base narin sa ginawang pag iinspeksyon ng mga Labor Inspector at kapag napatunayang lumabag ang kumpanya, bibigyan pa rin sila ng pagkakataon na ipaliwanag kung bakit hindi pa dapat iregular ang kanilang mga empleyado.


Mahigpit kasing ipinatutupad ng DOLE ang general labor standards partikular ang mga kampanya nito laban sa mga iligal na uri ng kontrakwalisasyon.

Ikinatuwa naman ng maraming mga manggagawa na matagal ng naninilbihan sa kanilang kumpanya ang naging hakbang ng DOLE dahil malaki umanong tulong sa kanilang mga pamilya na magkaroon ng security of tenure.

Facebook Comments