Mga kustomer ng Manila Water, makakakuha lamang ng P75 na rebate

Aabot lamang sa 75 pesos ang halagang makukuha ng bawat customer ng Manila Water bilang danyos sa perwisyong idinulot ng krisis sa tubig nitong Marso.

Ayon kay Rosario Bella Guzman, research head ng Ibon Foundation ito ang lumabas kung paghahatian ng pitong milyong kliyente ng Manila Water ang kalahati ng isang bilyong pisong multa na ipinataw ng MWSS.

Sa mahigit isang bilyong pisong multa na ipinataw sa Manila Water sinabi ni Guzman na limang daan at tatlumpu’t apat na milyong piso lamang ang direktang mapupunta sa mga customer.


At kahit maituturing nang positibo ang ginawang hakbang ng MWSS laban sa Manila Water sinabi ni Guzman na hindi pa rin ito sapat para matumbasan ang idinulot na kalbaryo na dinanas ng mga customer.

Muli namang iginiit ni Guzman ang panawagang i-review ang concession agreement na masyadong mabigat para sa mga customer.

Facebook Comments