Mga kustomer ng Maynilad at Manila Water posibleng makaranas ng hanggang 22 oras na walang tubig

Posibleng umabot ng hanggang 22 oras kada araw na mawawalan ng tubig ang mga apektadong customers ng Maynilad at Manila Water.

Simula mamayang gabi, aabot sa anim hanggang 22 oras na walang supply ng tubig ang 9.8 Million Customers ng Maynilad, kung saan ang pinakamahagang oras ay nasa Cavite, Caloocan at Quezon City.

Apat hanggang 10 oras naman walang tubig ang 6.8 Million Customers ng Manila Water, at pinakaapektado rito ang Pasig, Parañaque, Pataros, at ilang bahagi ng Taguig.


Nagtatagal ang Water Service Interruption sa isang lugar depende sa taas at layo nito treatment facility.

Giit ni Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Chairperson Reynaldo Velasco, kailangang ipatupad ang Water Service Interruption dahil madalang ang pag-ulan at patuloy ang pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam.

Babala naman ni National Water Resources Board (NWRB) Executive Director Sevillo David, kapag patuloy pang bumaba ang tubig sa Angat Dam, mapipilitan silang bawasan pa ang alokasyon ng tubig sa Maynilad at Manila Water sa susunod na buwan.

Sinabi naman ni DOST-PAGASA Climate Monitoring and Prediction Section Chief Anna Solis, lumilihis ang mga bagyo magpapaulan sana sa mga Dam kaya malabong maabot ang normal water level, epekto ng papatapos na El Niño

 

Para naman sa kumpletong schedule ng Water Service Interruption, bumisita sa official Facebook at Twitter pages ng Maynilad at Manila Water.

Facebook Comments