Mga Kuta ng Dahlah Islamiah nakubkob na ng BIAF -MILF

Kinumpirma ni Kumander George Kasim Field Guard Base Command ng National Guard Front ng Bangsamoro Islamic Armed Forces ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na nakubbkob na nila ang lahat pinagkukutaan ng Dawlah Islamiah ng pinamumunuan ni Ustadz Ismael Abdil Malika A.K.A Abu Toraife.
Subalit hindi anya naging madali ang kanilang pagkubkob sa mga kuta ng grupo ni Toraife, katunayan 6 na mga miyembro ng BIAF-MILF ang nasugatan nang sumabog ang isang landmine nang matapakan ng isa sa mga ito sa Sitio Mapagkaya, Barangay Dasawao, Sharif Saidona Mustafa, Maguindanao.
Maliban pa sa sumabog na landmine ay may narekober pa silang mga IED na ngayong araw ay kusa nilang pasasabugin ayon pa kay Kumander Kasim.
Ang BIAF-MILF ay nagiging katuwang ng militar sa pagtugis sa local terrorists sa SPMS box sa Maguindanao.
ccto pic

Facebook Comments