Mga kwalipikado para sa absentee voting, hinihikayat ng COMELEC na bomoto

Umaapela ang Commission on Elections (COMELEC) sa mga sasali at kwalipikado sa absentee voting na wag sayangin ang pagkakataon para sila ay makaboto para sa nalalapit na halalan.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Comelec Commissioner Atty. Erwin George Garcia 60,000 ang nagpatala para sa absentee voting habang 1.6 milyon naman sa overseas absentee voting at 6,000 para sa persons deprived of liberties o mga preso.

Kasama sa absentee voters ay ang mga opisyal at kawani ng pamahalaan, kasama ang mga myembro ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police at mga mamamahayag.


Ayon kay Garcia, maraming pangalan ang hindi nakasali sa absentee voting o natanggal sa listahan ng local absentee voting dahil pawang mga hindi pa naka rehistro.

Kasunod nito, tiniyak ng opisyal na all systems go na ang kanilang ilulunsad na absentee voting simula sa April 10 na magtatagal ng hanggang May 9.

Facebook Comments