Mga LGUs, binigyan ng deadline ng DILG para makabuo ng local governance transition teams

83

Mayroon na lamang hanggang April 7 ang lahat ng lokal na pamahalaan para makabuo ng local governance transition teams.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni DILG Usec. Epimaco Densing na may inilabas silang memorandum circular kamakailan na nag-uutos sa mga LGU sa buong bansa na bumuo ng local governance transition team.

Layon nitong gawing maayos ang paglilipat ng responsibilidad at tungkulin sa mga lokal na pamahalaan sa panibagong administrasyon pagsapit ng Hunyo a-30.


Sa ngayon, walang nabanggit ang opisyal kung aling mga LGUs na ang nakatalima rito pero 2 araw na lamang ang kanilang taning para mabuo ang kani-kanilang local governance transition teams.

Facebook Comments