Mga kwalipikadong benepisyaryo ng 4Ps, maaari nang mag-withdraw ng kanilang mga cash grant ayon sa DSWD

Inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na maaari nang makuha ng mga eligible na benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang kanilang cash grants sa pamamagitan ng ATM cards sa mga sangay ng Land Bank o sa mga accredited merchant nito.

Ito ang sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Assistant Secretary for Disaster Response Management Group Irene Dumlao.

Nagpaalala naman si Asec. Dumlao sa mga benepisyaryo na gamitin ang cash para sa layunin nito ang edukasyon at kalusugan ng kanilang mga anak.


Ang payout ay nagsimula noong April 13 para sa mga regular na benepisyaryo at retroactive payment naman para sa mga pamilya na na-reactivate dahil sa assessment na isinagawa ng Social Welfare and Development Indicators.

Pinayuhan naman ng opisyal ang mga benepisyaryo na makipagtransaksyon lamang sa municipal links o provincial links na kanilang nasasakupan kung mayroong katanungan hinggil sa nagpapatuloy na payout.

Ang 4Ps ay isang national poverty reduction strategy na programa ng gobyerno na nagbibigay ng conditional cash transfer sa mga mahihirap.

Facebook Comments