Mga labi ng mga nasawing OFW sa Middle East, darating na ngayong araw

Inanunsiyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ibi-biyahe na pabalik ng Pilipinas ang mga labi ng mga nasawing Overseas Filipino Worker (OFW) sa Middle East.

Ayon kay Rolly Francia, Director ng Information and Publication Service ng DOLE, 49 na bangkay ng OFW ang darating ngayon sa Manila.

Alas-10:30 ng umaga ang dating ng Philippine Air Lines flight na nagdadala sa 49 kung saan 17 sa mga ito ay mula sa Riyadh at 32 ay galing sa Dammam.


Bilang precautionary measure, mahigpit ang health protocols na ipatutupad sa pagdating ng mga nasabing labi ng mga OFW dahil na rin sa kanilang kalagayan.

Sinabi pa ni Francia na 19 sa OFW ay pumanaw sa sakit na COVID-19 habang ang 25 ay sa hindi pa malamang sanhi.

Agad naman idederetso sa crematory ang mga bangkay ng OFW na namatay dahil sa COVID-19 bilang bahagi ng health protocols habang ang ibang nasawi ay kailangang mailibing sa loob ng 24 oras.

Facebook Comments