SAF Commando trainee, namatay habang nagsasanay sa Batangas

Nasawi ang isang trainee ng Philippine National Police (PNP) Special Action Force Commando habang nagti-training sa Brgy. Baha, Calatagan, Batangas nitong July 7, 2020.

Sa ulat ng PNP, kinilala ang nasawing trainee na si Patrolman William Villarosa Jr., residente ng Brgy Daccuit, Amulong, Cagayan.

Alas-5:17 ng hapon noong July 7, 2020, natagpuan na lamang si Villarosa na wala nang malay 500 metro mula sa SAF Training Branch Annex Admin Building kung saan ginagawa ang kanilang map reading at land navigation exercises.


Agad siyang isinugod sa ospital pero namatay rin, batay sa doktor nasawi ang trainee dahil sa Hypovolemic shock, secondary to upper gastro intestinal bleeding, secondary to bleeding peptic ulcer.

Isinailalim rin sa swab test ang labi ng biktima para sa COVID-19 test.

Facebook Comments