Mga labi ng mga OFW na namatay sa Saudi Arabia, ike-cremate pagdating ng Pilipinas

Agad na dadalhin sa mga crematorium ang mga labi ng 44 na Pilipinong namatay sa Saudi Arabia na inaasahang darating sa bansa ngayong araw.

Dahil sa banta ng COVID-19, ang mga kaanak ay ipinagbabawal na tingnan ang mga labi ng kanilang mga kaanak pagkalapag sa Villamor Airbase sa Pasay City.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, mula sa 44 na labi ng Overseas Filipino Workers (OFW), 14 dito ay mga namatay sa COVID-19.


Mula sa 274 OFWs na namatay sa Saudi Arabia, 152 ay mga biktima ng sakit habang ang natitira ay namatay sa natural causes.

Nasa 20 Pilipino na ang inilibing sa Saudi na may pahintulot mula sa kanilang pamilya sa Pilipinas habang ang tatlo pang Pilipino ay inilibing ng kanilang employer na walang paalam mula sa pamilya.

Nabatid na nagdesisyon ang Inter-Agency Task Force (IAFT) na gawing by batch ang pagpapauwi sa mga labi ng mga OFW.

Facebook Comments