Papayagan nang ilibing ang mga labi ng mga pasyenteng nasawi dahil sa COVID-19.
ito ay dahil napupuno na ang kapasidad ang ilang mga crematorium dahilan upang hindi na kayanin ng mga ito na makapag-cremate ng mga nasawi mula sa virus.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, bago payagan ang mga ito ay kinakailangan munang masunod ang mga safety measures.
Nabatid na unang inirerekomenda ng ahensiya na i-cremate agad ang mga pasyenteng nasawi sa COVID-19 para hindi na magkaroon ng posibleng pagkahawa.
Samantala, kabilang sa kinakailangang sundin bago payagan ay dapat naka double-sealed ang bag na paglalagyan ng bangkay at ang kabaong nito.
bukod dito, hindi rin papayagan na buksan at hukayin ang mga ito sa oras na nailibing na ang isang namatay dahil sa nasabing sakit.