MRT-3, magbabalik operasyon na simula bukas, July 13

30

Balik operasyon na simula bukas, July 13, 2020, ang Metro Rail Transit line 3 (MRT-3).

Ito ang inanunsiyo ng Department of Transportation (DOTr) matapos na magnegatibo ang mga empleyado nito sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).


Ayon sa DOTr, nasa kabuuang 1,093 depot personnel at 1,010 station personnel ang negatibo sa virus kung saan lagpas ang bilang ng mga ito sa kinakailangang 1,308 na personnel para payagang makabalik ang operasyon ng mga tren.

Kaugnay nito, nasa 12 train sets lamang muna ang papayagan na mag-operate bukas at magsisimula ang biyahe alas 5:30 ng umaga mula sa North Avenue station.

Kinakailangan din munang magsulat sa contact tracing form bago pagayang makasakay ng tren ang mga pasahero.

Facebook Comments