MGA LABI NI ANGELYN AGUIRRE NA NASAWI SA GIYERA SA ISRAEL, NAIUWI NA SA BINMALEY, PANGASINAN; LIBING NITO, NGAYONG ARAW DIN

Naiuwi na ang mga labi ni Angelyn Aguire na nasawi sa bansang Israel sa tahanan nito sa Brgy. Balagan, bayan ng Binmaley, Pangasinan kahapon.
Bilang pagpupugay sa kabayanihan ni Angelyn, binigyan ito ng isang Hero’s Welcome kung saan sinalubong ito ng kanyang pamilya, kabarangay at marami pang iba.
Pinaglamayan si Angelyn kahapon hanggang ngayong araw lamang dahil ayon sa funeraria nasa state of decomposition na ang katawan nito.
Isinagawa rin ang awarding ceremony kung saan tinanggap ng pamilya nito ang tulong pinansyal mula sa OWWA na nagkakahalaga ng P220,000, ELAP Grant na nagkakahalaga ng P15,000 para sa livelihood at nagpaabot ng tulong provincial government ng Pangasinan ng P100, 000.
Pinangunahan ito ni OWWA Administrator Arnaldo Ignacio, Department of Migrant Workers OIC Hans Leo Cacdac.
Dumating din sa programa si Pangasinan Governor Ramon Guico III maging ang alkalde ng bayan ng Binmaley na si Mayor Pedro “Pete” Merrera III, representante ni Congressman Mark Conjuanco at BM Philip Cruz.
Samantala, mamayang alas tres ng hapon ihahatid si Angelyn sa kanyang huling hantungan sa isang pribadong sementeryo sa lungsod ng San Carlos. | ifmnews
Facebook Comments