TATLO KATAO KRITIKAL SA BANGGAAN NG DALAWANG MOTOR SA MAPANDAN

Kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang tatlong katao matapos ang naganap na banggaan ng dalawang motorsiklo sa bayan ng Mapandan.
Ang mga biktima ay nakilalang sina Anthony Mapanao at kabanggaan nitong si Jhon Eufemiano at backride nitong si Rixter Dela Cruz.
Naganap ang aksidente pasado alas sais ng gabi sa bahagi ng Brgy. Sta Maria sa nasabing bayan nang paliko na sana ang motor ni Mapanao nang aksidenteng mabangga ng motor na minamaneho ni Eufemiano.

Dahil dito ay tumilapon ang tatlo at nagtamo ng matinding sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan na agad namang naisugod sa pagamutan.
Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang aksidente. | ifmnews
Facebook Comments