Nailibing na kanina ang mga labi ng Overseas Filipino Worker na si Jullebee Ranara na karumal-dumal na pinatay ng anak ng kaniyang amo sa Kuwait.
Inihatid sa huling hantungan ang labi ng 35-anyos na si Ranara sa Golden Haven Memorial Park sa Las Piñas City.
Matatandaang natagpuan ang bangkay ni Ranara na iniwan sa isang disyerto sa Kuwait at sinunog pa ng suspek.
Napag-alaman pa na hinalay ito at nabuntis ng 17 taong gulang na suspek na anak ng kaniyang amo.
Tiniyak naman ng Kuwaiti government na mapaparusahan ang suspek na nakakulong na sa ngayon.
Facebook Comments