Pangulong Marcos Jr., tiniyak ang patuloy na suporta sa mga OFW

Tiniyak ni Pangulong Bongbong Marcos na patuloy niyang tinututukan ang kapakanan ng Overseas Filipino Workers (OFWs).

Sa kaniyang bagong inilabas na vlog, sinabi ng pangulo na bahagi ito ng ginagawang partnership ng gobyerno ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa.

Nitong nakaraang linggo, nakipagpulong si Pangulong Marcos sa diplomatic corps para sa tradisyunal na vin d’honneur na ginanap sa Palasyo ng Malacañang.


Samantala, inihayag pa ni Pangulong Marcos Jr., na magbibigay ng scholarships at pabahay ang pamahalaan sa mga pamilya ng OFW.

Target ng gobyerno na maiangat sa upper-middle income status ang Pilipinas sa mga susunod na taon.

Facebook Comments