MGA LABI NI MARJORETTE NAIUWI NA SA DAGUPAN CITY; TULONG MULA SA LGU DAGUPAN NAIPAMAHAGI NA RIN

Naiuwi na ang mga labi ni Marjorette Garcia sa Brgy. Bonuan Boquig, Dagupan City mula sa Brgy. Awai San Jacinto, Pangasinan kung saan ito unang inuwi at unang pinaglamayan ng limang araw sa tahanan ng kaniyang asawa na si Tito Garcia Jr.
Pasado alas-sais kahapon ng umaga nang nakarating ito sa tahanan ng kanyang mga magulang kung saan ipagpapatuloy ang lamay ng panibagong limang araw hanggang sa libing nito sa October 24 at ihahatid sa kanyang huling hantungan sa Bonuan Boquig Public Cemetery alas-syete ng umaga.
Sinalubong ito ng kanyang mga kaanak sa nasabing barangay, mga kawani ng OWWA Region I at Lokal na pamahalaan ng Dagupan City sa pangunguna ni Mayor Belen Fernandez kung saan nagbigay ito ng maikling mensahe at pasasalamat sa yumaong si Marjorette.

Dito na ibinigay ng alkalde ang tulong pinansyal sa naiwang pamilya ng biktima ng selos at nauwi sa pananaksak ng dating katrabaho nitong banyaga sa Saudi Arabia.
Sa ngayon nangako ang alkalde sa pamilya ni Marjorette na sakaling mangailangan ng tulong ay bukas ang kanilang tanggapan.
Sa ngayon, hustisya pa rin ang bukambibig ng pamilya ni Marjorette sa kung ano talaga ang nangyari sa kanilang kaanak. |ifmnews
Facebook Comments