Mga labi ni ‘Nene’ Pimentel, bukas na sa public viewing

67

Bukas na sa public viewing ang mga labi ni dating Senate President Aquilino “Nene” Pimentel Jr.

Kagabi nang simulang iburol sa Chapel 7 at 8 ng Heritage Memorial Park sa Taguig City ang dating senador.


Binigyan naman ng pagkakataon ang mga tagasuporta sa Metro Manila na makita ang mga labi ni Pimentel.

Habang dagsa rin ang mga tagasuporta at kakilala nito mula pa sa Davao City at Lanao del Sur.

Nauna nang nagpaabot ng pakikiramay at panalangin para pamilya Pimentel ang Malacañang, mga mambabatas at iba’t ibang sektor.

Nakatakda ring dalhin ang mga labi ng dating senador sa Senado at sa hometown nito sa Cagayan de Oro.

Wala pa ring inilalabas na detalye ng libing ang pamilya Pimentel.

Facebook Comments

From Advertisers