Nasawing Pilipino sa Italya, malabong maiuwi sa Pilipinas

309

Dahil sa mahigpit na mga patakarang ipinapatupad ng Italian Government bunga ng krisis na hatid ng COVID-19 ay malabong maiuwi sa Pilipinas ang labi ng isang Pinoy na namatay sa nasabing bansa.

Ayon kay DFA Undersecretary Brigido Dulay, pangunahin dito ang umiiral na lockdown sa Italy at ang polisiya na mabilisang paglilibing o cremation sa mga namatay dahil sa infectious disease.


Paliwanag ni Dulay, ang ating mga kababayan na naninirahan sa Italya ay sakop ng nabanggit na mga polisya at wala tayong magagawa kundi sumunod.

Facebook Comments