Mga lalabag sa health protocols, iminungkahing mag-community service sa halip na hulihin at pagmultahin

Sa halip na ikulong at pagbayarin ng multa ay iminungkahi ng isang opisyal ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na sumailalim sa community service ang mahuhuling lalabag sa health protocols.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni DILG Undersecretary Epimaco Densing III na itatalaga sa pampublikong lugar ang mga mahuhuli at sila ang sisita sa mga makikita nilang lalabag sa protocols.

Una rito ay nagpalabas na ang DILG ng direktiba sa mga Local Government Units na magpasa na ng mga ordinansa na magbibigay ng parusa sa mga hindi sumusunod sa minimum public health standards.


Ipinunto pa ni DENSING na mas dapat pang maghigpit ngayon sa health protocols lalo na’t maraming bagong variant ng COVID-19 ang kumakalat.

Facebook Comments