Mga lalawigan na may ASF, nasa siyam na lang ayon sa DA

Naibaba na sa siyam na lang na probinsiya ang infected ng African Swine Fever (ASF).

Sa virtual presser sa Department of Agriculture (DA), sinabi ni Bureau of Animal Industry Director Reildrin Morales na kabilang sa mga probinsiyang apektado pa rin ng ASF ay ang Abra, Apayao, Mt. Province, Ilocos Norte, Cagayan, Leyte, Eastern at Northern Samar, at Davao Occidental.

Gayunman, nasa labing siyam na lang umano na barangay ang apektado nito at wala na umanong posibilidad na kumalat pa ito.


Umabot naman sa 64,704 na mga hog raisers ang naapektuhan, kung saan 37,675 ang nabayaran para sa kabuuang 316,911 na baboy na pinatay at inilibing.

Patuloy naman ang distribusyon ng DA ng mga sentinel pigs para sa repopulation efforts nito sa mga lugar na idineklarang ASF free.

Facebook Comments