Manila, Philippines – Naglabas na ang PAGASA ng flood advisory sa iba’t ibang lugar na posibleng maapektuhan ng severe tropical storm Gorio.
Batay sa abiso, posibleng bahain sa mga sumusunod:
– Metro Manila (partikular sa mga mabababang lugar; malapit sa ilog at estero)
– Ilocos Sur (lower Abra, Silay hanggang Sta. Maria at Buaya)
– La Union (Amburayan, Bararo, lower Buang at Aringay)
– Ilocos Norte (Bulu, Banban, Bacarravintar, Laoag, at Quiaoit
– Pangasinan (Balincuguin at Alaminos)
Pinag-iingat din sa baha ang sumusunod:
Central Luzon
– Bataan
– Zambales
– Aurora
CALABARZON
MIMAROPA
Bicol Region
Sa Visayas, may flood warning din sa Aklan, Iloilo, Capiz at Antique
Kasabay nito, nagbabala rin ang pag-asa sa posibleng pagguho ng lupa sa sumusunod:
– Upper Bauang, Benguet
– Upper Abulug, Apayao
– Ifugao
– Mountain Province
– Kalinga
– Abra (partikular sa upper Abra, Tineg at Ikmin)