Mga laro sa PBA, naantala dahil sa MECQ

84

Naantala muli ang mga laro sa Philippine Basketball Association (PBA) matapos ibalik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila.

Dahil dito, ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, kailangang i-adjust muli ang schedule ng swab testing ng mga manlalaro.


Nakatakda sanang sumailalim sa nasabing test ang bawat PBA team sa Makati Medical Center ngayong Huwebes hanggang Biyernes.

Naantala din ang schedule ng training na magsisimula na sana sa Agosto 12.

Gayunpaman, umaasa pa rin si Marcial na maibabalik pa rin ang mga laro ngayong taon.

Facebook Comments