Babaeng sanggol nakitang patay sa loob ng drawer

937
SHUTTERSTOCK

Isang babaeng sanggol ang nakitang patay sa loob ng isang drawer sa bayan ng Opol, Misamis Oriental, Linggo ng umaga.

Sa isang ulat, sinabing ang mismong live-in-partner ng ina ng musmos ang nakahanap sa bangkay nito. Nagliligpit umano ng gamit ang lalaki at nang buksan niya ang drawer ay bumungad sa kaniya ang katawan ng munting anghel.


Agad naman itong humingi ng saklolo sa mga awtoridad subalit huli na raw ang lahat.

Kasalukuyang naka-hospital arrest ang nanay na pinaniniwalaang may kinalaman sa pagpanaw ng sanggol.

Dinala kasi ang babae sa pagamutan sa Cagayan de Oro City noong Sabado makaraang duguin dahil sa ininom na gamot.

“Pero kung makita mo ang bata…full term na siya, malaki na ang bata,” pahayag ni Patrolwoman Bridgette Briones, tauhan ng Opol Police.




Nakatakdang sumailalim sa awtopsiya ang labi ng bata upang malaman ang dahilan ng pagkamatay nito.

Kung mapatunayang nagkasala ang nanay at kinakasama, mahaharap sila sa kasong infanticide.

Facebook Comments