Kinansela muna ng PBA ang mga laro sa 2020 Philippine Cup Clark Bubble bilang pagsunod sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF-EID) technical working group at ng Department of Health (DOH).
Sa inilabas na abiso ng PBA, simula ngayong araw (Biyernes / October 30, 2020), kanselado ang lahat ng mga laro hangga’t walang inilalabas na bagong protocols na imumungkahi ng IATF at ng DOH.
Ito’y upang matiyak na rin ang intergridad at kaligtasan lahat ng nasa PBA Bubble sa Clark Freeport Zone sa Pampanga lalo na’t isang referee at isang player ang naging suspected cases ng COVID-19.
Nagpapasalamat naman ang PBA sa IATF, DOH at sa Clark Development Corporation (CDC) sa patuloy na suporta at patnubay sa kasalukuyan nilang liga.