Manila, Philippines – Sasailam sa rehabilitasyon ang Laguna Lake at iba pang lawa, ilog sa buong bansa.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, kumukonti at namamatay ang mga isda pati na rin ang iba pang produkto dahil sa polusyon.
Dahil dito, kasado na ang ‘balik sigla sa ilog at lawa’ o project BASIL ng DA na layuning linisin ang lawa at ilog kung saan balak din mag lagay ng isda para paramihin.
Sasailam sa rehabilitasyon ang 13 major lakes tulad ng Laguna Lake na tatagal ng 5 taon.
Ayon pa sa kalihim makakatulong ang programa para paigtingin ang food security at sa industriya ng pangingisda.
DZXL558
Facebook Comments