Muling nagpaalala ang National Task Force Against COVID-19 na hindi pa tapos ang laban natin sa COVID-19 pandemic.
Ito ay sa kabila ng pagbaba ng mga naiitalang kaso ng COVID-19 at ang pagkakaroon ng ikatlong kaso ng mas nakakahawang Omicron variant.
Ayon kay Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr., posibleng minamaliit ng karamihan ang banta ng Omicron na nagdudulot ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa mga bansang mayroon nang mga kumpirmadong kaso.
Iginiit ni Galvez na kailangang paghandaan ng mga quarantine at treatment facilities ng mga Local Government Unit ang banta ng Omicron.
Samantala, hindi muna iminumungkahi ng NTF ang pagpapatuloy ng vaccine rollout sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Odette at sa halip anila ay dapat munang tutukan ang pagbangon ng mga ito.