Mga LGU hindi mangmang para suportahan ang Godless at obsolete ideology ng CPP

Inihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na hindi estupido ang mga local government units (LGUs) na tinatamasa ang lokal na awtonomiya para suportahan ang “Godless” at “obsolete ideology” ng communist terrorist groups.

Buwelta ito ng ahensya kasunod ng alegasyon ng Communist Party of the Philippines (CPP) na napipilitan lamang magdeklara ng persona non grata ang mga LGU sa CPP-NPA-NDF dahil sa bantang pag-ipit sa kanilang budget.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, sawang-sawa na ang mga LGU sa mga karahasan at kalupitan na ginagawa ng CPP-NPA-NDF.


Paliwanag ng kalihim, huwag insultuhin ang katalinuhan ng mga local government officials dahil hindi sila mangmang at hindi madidiktahan na gumawa ng mga bagay na labag sa kanilang kalooban.

Dagdag pa ni Año, mulat na sa katotohanan ang mga lokal na opisyal at saksi sila sa panloloko at ginagawa ng CPP-NPA-NDF sa kanilang mga lugar kaya’t hindi na nakapagtatakang nasa 1,500 LGU ang idineklara silang persona non grata.

Giit pa ng kahilim, ang tangkang pagkonekta ng CPP sa persona non grata issue sa budget allocation para sa mga LGU ay palusot lamang.

Isa lang aniya itong taktika para linlangin ang publiko at matabunan ang katotohanang isinusuka na ang mga ito ng taumbayan.

Facebook Comments