Mga LGU, inatasan ng DILG na suportahan ang COVID-19 vaccine solidarity trial ng WHO

Hinimok ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local government unit (LGU) na suportahan ang solidarity trial para sa COVID-19 vaccine at iba pang independent COVID-19 vaccine trials na ipinatutupad ng World Health Organization (WHO).

Kasama dito ang lahat ng lungsod sa Metro Manila, bayan ng Pateros, Davao City, lalawigan ng Cebu at Cavite na tinukoy na pagdarausan ng vaccine trials.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, lahat ng isasama sa vaccine trials ay kukunin sa lima hanggang sampung barangay na may mataas na kaso ng COVID-19.


Paglilinaw ni Malaya, ang vaccine solidarity trials ay iba pa sa national vaccination program.

Kailangan sa solidarity trials ang 15,000 volunteers na may edad 18 hanggang 59 taong gulang.

Facebook Comments