Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga Local Government Unit (LGU) na higpitan pa ang pagpapatupad ng minimum public health protocol at palakasin pa ang kanilang vaccination drive kontra COVID-19.
Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, kailangang paalalahanan ng mga LGU ang kanilang constituent para maiwasan ang community transmission ng Omicron variant.
Aniya, dapat ding palakasin ng mga ito ang Prevention, Detection, Isolation, Treatment, at Rehabilitation strategies (PDTIRs) para sa COVID-19 gayundin ang kanilang contact tracing, granular lockdown at paglimita sa mga pinapayagang kapasidad sa mga establisyemento.
Maliban dito, maaari rin aniyang gawin ng mga LGU ang house-to-house vaccination sa mga priority group.