Higit 600 Illegal Firecrackers, Sinira ng PRO2

13
Cauayan City, Isabela- Umabot sa 681 ang kabuuang bilang ng sinirang iligal na paputok ng mga awtoridad sa pagdiriwang ng yuletide season sa lambak ng Cagayan.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PLTCOL. Efren Fernandez II, tagapagsalita ng PNP Region 2, umabot sa mahigit 39,000 ang halaga ng mga nakumpiskang iligal na paputok habang kabuuang P20,760 naman ang halaga ng paputok na boluntaryong ipinasakamay ng mga vendor.

Ilan lamang ang ‘Luces’ at ‘Kwitis’ sa may maraming bilang na nakumpiskang ipinagbabawal na paputok.

Naitala naman ang 26 na biktima matapos maputukan kasabay ng pagdiriwang ng yuletide season.

Samantala, payapa naman sa kabuuan ang pagtaya ng PNP sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Facebook Comments