Mga LGU na hindi pa handa sa vaccination program, hindi bibigyan ng supply – Galvez

Nagpaalala si Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. sa mga local government units (LGUs) na hindi sila mabibigyan ng vaccine supply kapag hindi pa sila handa para sa rollout ng immunization program ngayong buwan.

Ayon kay Galvez, iniiwasan lamang nila na magkaroon ng mismanagement at ma-expire ang mga bakuna.

Dagdag pa ni Galvez, magkakaroon ng final check sa mga LGU dalawang linggo bago i-deploy ang vaccine supply.


Pinayuhan din niya ang mga LGUs na maglaan ng pondo para sa mga vaccinators at magtayo ng mega-vaccination centers.

Dagdag pa ni Galvez, unang ipaprayoridad sa bakuna ang mga healthcare workers sa mga COVID-19 referral hospitals.

Ang unang batch ng COVID-19 vaccines ay inisyal na ipapadala sa Metro Manila, Cebu at Davao kung saan mayroong pasilidad na pasok sa ultra temperature cold storage requirement ng ilang bakuna.

Facebook Comments