CAUAYAN CITY- Binigyang kilala at parangal ng Department of Agriculture Field Office 02 ang mga Local Government Units sa Lambak ng Cagayan.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na binigyang kilala ng ahensya ang mga Lokal na Pamahalaan na nagbigay ng malaking halaga mula sa kanilang IRA para sa pagpapaunlad ng Agrikultura sa kanilang nasasakupan.
Watch more balita here:BRGY. MARABULIG 1, NAKUHA ANG PANALO KONTRA BRGY. TAGARAN
Kabilang sa binigyang kilala sa lalawigan ng Isabela ay ang bayan ng San Mateo na naglaan ng P27.7 million; Echague na P34.6 million; Jones na P19.4 million; San Guillermo na P8.6 million; Alicia na P9.9 million; at San Manuel na P5.8 million.
Samantala, matatandaan na isinulong ng Senado ang pagsasabatas ng paglalaan ng sampung porsyento mula sa IRA ng Lokal na Pamahalaan para sa agrikultura.