Mga LGU na nagsabing “fully compliant” sa Road Clearing Operations, isang fake news, ayon sa DILG

280

Inihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na wala pang Local Government Units na fully compliant o 100% nang nakasabay sa iniutos ni Pangulong Duterte ukol sa Clearing Operations.

Ayon kay DILG Spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya, ilalabas lamang ng kanilang ahensiya ang final assessment pagkatapos sa ibinigay na deadline ng pangulo sa Setyembre 29.


Aniya, walang anim na Lungsod sa Metro Manila ang nakatugon sa ipinataw na 60 na araw na deadline sa nasabing operasyon.

Dagdag pa niya, hindi lang Road Cearing Operation ang kanilang tinitignan kundi rin ang pagbabawal sa illegal construction, paghahanda ng road inventories, displacement strategies at rehabilitasyon sa mga binawing public roads.

Facebook Comments

From Advertisers