MGA LGU NG ISABELA, PINAGSUSUMITE NG PUBLIC TRANSPORT ROUTE PLAN- PROVINCIAL PUBLIC SAFETY OFFICE

Cauayan City, Isabela- Hinikayat ni Provincial Public Safety Officer Atty. Constante Foronda ang lahat ng Local Government Units na magsumite ng kani-kanilang Public Transport Route Plan (LPTRPs).

Hiling ito ng opisyal sa ginanap na Joint Meeting of the Provincial Development Council (PDC), Provincial Peace and Order Council (PPOC), Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC), Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC) at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) noong martes, March 22, 2022 sa Capitol Amphitheater, Alibagu, City of Ilagan, Isabela.

Paglilinaw ni Foronda na ang requirement ng Provincial LPTRP sa ilalim ng Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program ay resulta ng isinagawang survey mula sa mga LGU.

Dagdag niya, kailangan din ng Provincial LPTRP ang approved City/Municipal LPTRP bago makapagsumite sa LTFRB.

Bagama’t may nagawa ng draft ang Provincial Technical Working Group ng LTPRP ay wala naman umanong survey results para bigyan katwiran ang empirical data.

Mula sa 36 bayan ng Isabela, tanging ang lungsod ng Ilagan aniya lang ang nakapagsumite ng kaukulang dokumento at inaprubahan ng LTFRB na adopted ng Sangguniang Panlungsod ng Ilagan.

Isa naman sa mga requirements upang maipasa ang Seal of Good Local Governance ay ang LPTRP.

Facebook Comments