Mga LGU, pinaalalahanan sa mga campaign caravans sa gitna ng COVID-19 pandemya

Umaapela ang Palasyo ng Malakanyang sa Department of the Interior and Local Government (DILG) at sa mga Local Government Unit (LGU) na tiyaking nasusunod ang itinakdang health protocols tuwing may campaign caravans na isinasagawa sa kani-kanilang mga lugar.

Ayon kay acting Presidential Spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles, sayang naman ang effort ng LGUs na mapababa ang COVID-19 cases kung sa isang idlap lamang ay lolobo na naman ang bilang ng kaso.

Aniya, nakabantay naman ang DILG at LGUs para bigyan ng parusa ang mga dapat parusahan na hindi susunod sa health protocols.


Pinaalalahanan din ni Nograles ang mga organizer, supporters, mga kandidato na seryosohin ang pagpapatupad ng mga minimum public health standards sa mga election related activities.

Matatandaang dinumog ng mga tagasuporta ang magkakasunod na caravan nina presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Sen. Manny Pacquiao sa Quezon City kung saan nagdulot ito ng mabigat na daloy ng trapiko.

Facebook Comments