Mga LGU, pinaghahanda sa pagdating ng COVID-19 vaccines ngayong buwan – Año

Pinaiigting ng mga Local Government Unit (LGU) ang kanilang paghahanda kasabay ng pagdating ng karagdagang supply ng COVID-19 vaccines ngayong buwan.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, nasa 29,384 personnel ang itinalaga sa emergency operations center habang 36,037 ang naka-assign sa Barangay Health Emergency Response Teams (BHERT).

Umaalalay rin ang nasa 36,037 personnel para matiyka na nasusunod ang health protocols at nasa 28,210 personnel naman ang nakatalaga sa quarantine facilities.


Tiniyak din ni Año na ang mga LGU ay may sapat na vaccination centers at cold chain storage.

Sa ngayon, aabot na sa 2,536 vaccination centers na maaaring gamitin ng mga LGU para sa rollout ng COVID-19 vaccines.

Facebook Comments