MGA LGU SA ILOCOS REGION, NAKIBAHAGI SA INILUNSAD NA KAMPANYA KONTRA DENGUE

Nakibahagi ang mga local government unit sa Ilocos Region sa nationwide launching ng “Alas Kwatro Kontra Mosquito” o kampanya kontra dengue.

Ito ay bilang pagsuporta ng bawat komunidad at mga government offices na tuluyang masugpo ang paglaganap ng sakit na dengue at pagprotekta sa kalusugan ng nakararami.

Panghihikayat rin ito sa mga LGU na patuloy na magsagawa ng mga aktibidad na pipigil sa pagdami ng lamok na nagdadala ng dengue at maging sirain ang maaaring pamugaran ng mga ito sa oras ng alas kwatro ng hapon.

Patuloy naman ang pagbibigay paalala ng Department of Health Ilocos Region na ugaliing maglinis ng kapaligiran upang maiwasan ang mga maaaring pamahayan ng lamok na nagdadala ng dengue.

Pagtutulungan rin umano sa loob ng komunidad ang isa sa maaaring makatulong upang masugpo ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments