Inatasan na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng Local Government Units (LGUs) sa buong bansa na ituloy ang road clearing operations sa kanilang lugar.
Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, sa January 15 na ang deadline para tapusin ang 60-day clearing operation.
Giit pa nito na kahit patapos na ang road clearing operation, ito ay isang year-round activity na kailangang mapanatili ang pagsisikap na maipatupad.
Nakapaloob sa DILG Memorandum Circular No. 2020-145, lahat ng areas sa ilalim ng Modified General Community Quarantine ay kinakailangang ganap na maipatupad ang road clearing operation 2.0 hanggang January 15.
Habang ang mga LGUs na nasa ilalim pa ng General Community Quarantine ay inaasahan na makagawa rin ng partial implementation ng road clearing operation 2.0.
Samantala, suspendido naman ang road clearing operations sa mga areas na nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine at Enhanced Community Quarantine.
Sabi pa ni Malaya na isasagawa ang validation ng provincial, city, at municipal compliance mula January 18 hanggang 22.