Pinatututukan ni Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin sa mga LGUs ang kanilang mga lugar para mapabilis ang pagpapababa ng COVID-19 cases sa mga nasasakupan.
Ayon kay Garbin, dapat na aralin ng mga LGUs na may positibong kaso ng COVID-19, at mga probable at suspected cases ng virus ang epidemic curve sa kanilang lokalidad lalo pa’t kulang pa sa systematic testing sa COVID-19.
Giit ni Garbin, kailangang alamin din ng mga LGU executives ang sitwasyon ng mga kalapit na syudad o lalawigan upang mapigilan ang pagkalat ng sakit.
Iminungkahi rin ni Garbin sa mga lokal na pamahalaan na ipaubaya na lamang sa mga administrators, department heads, at iba pang opisyal ng pamahalaan ang pagbibigay solusyon sa pangekonomiya at panglipunang epekto ng COVID-19.
Higit lalong pag-ingatan at protektahan ng mga LGUs ang mga barangay na walang kaso ng virus.