Pagpapaliwanagin pa rin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan na hindi nakapagpamahagi ng cash assistance sa deadline kahapon.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, pasisimulan na niya ang pag-iisyu ng show cause orders sa mga LGUs na may mahinang performance sa distribusyon ng emergency subsidy.
Sabi ni Año, kailangan nilang ipaliwanag kung anu-ano ang mga problema at balakid kung bakit hindi sila umabot sa deadline.
Aniya, 1,265 LGUs lamang ang nakakumpleto ng payout kahapon sa buong bansa.
Sa Metro Manila, nakapagtala lamang ito ng 85.13 % payout rate hanggang hatinggabi.
Pinakamataas ang Caloocan City na abot sa 99%.
Gayunman, pinabibilis pa rin ng DILG ang pamimigay ng ayuda dahil higit na kailangan ito ng kanilang mga constituents.