Kinalampag ni Senator Sonny Angara ang mga Local Government Units o LGUs na aksyunan ang diskriminasyon sa mga health workers pati na rin sa mga dinadapuan ng coronavirus at mga persons under monitoring (PUMs) at persons under investigation (PUIs) at kani-kanilang mga pamilya.
Ginawa ni Angara ang apela kasunod ng mga reports ng karahasan at hingi magandang pagtrato sa mga frontliners na nangunguna sa pagpigil na kumalat pa ang COVID-19.
Giit ni Senator Angara, dapat maglatag ng hakbang ang mga LGUs para mabigyang-proteksyon ang mga frontliners tulad ng mga health workers na araw-araw naglalagay sa panganib ng kanilang sarili para mabigyan ng medikal na atensyon ang mga tinatamaan ng COVID-19 at iba pang sakit.
Inihalimbawa ni Angara ang pamahalaang lokal ng Cebu at Maynila na nagpasa ng ordinansa na magpaparusa sa lahat ng gagawa ng anumang uri ng diskriminasyon sa mga frontliners gayun sa mga COVID-19 positive, PUI, PUM at kanilang mga pamilya.