MGA LGU’s SA PROBINSYA NG PANGASINAN, SUMAILALIM SA ISANG ORIENTATION UKOL SA GEODATA SYSTEMS APPLICATION

Nagsagawa ang pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan ng isang Provincial Orientation para sa mga local government units nito.
Tatlumput limang munisipalidad sa lalawigan ang dumalo sa nasabing orientation.
Orientation ukol sa on the Geodata System Application ang isinagawa sa pakikipagtulungan ng Geodata System Technology, Inc. at Provincial Housing Urban Development and Coordinating Office PHUDCO.
Ang orientation na ito para sa mga LGU’s ay makatutulong sa kanila sa komprehensibong sistema ng pagkolekta, pag-organisa, pamamahala, pagsusuri, pagbatid, at magbahagi ng geographic information na nagpapakita ng ng geographic data tulad ng maps, dashboards, at reports.

Makatutulong ang pagkakaroon ng kaalaman ukol sa geographic information systems o GIS ng mga LGU’s sa pagpapabuti ng communication, decision making, kasanayan sa kakayahan, information management, marketing, education, at mapping. |ifmnews
Facebook Comments