Mga liblib na bahagi ng Maguindanao pinagkalooban ng tulong !

Hindi nga inalintana ng mga kawani ng PDRRMO Maguindanao sa pangunguna ni Tim Ambolodto, Operations Chief, ang init at ilang kilometrong lakaran para lamang maiparating ang ayuda mula sa Provincial Government.

Kabilang sa mga nakabiyaya ay mga lumad ng liblib na mga barangay sa South Upi.
Bukod sa food items na ibinigay ng Provincial Government, ipinaunawa rin ng mga ito ang maaring hatid ng COVID 19 kung hindi mag-iingat.

Ang inisyatiba ay base na rin sa direktiba ni Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu.


Matatandaang noong araw ng sabado, isinagawa ang ceremonial turn- over ng higit 200 libong food items na hudyat ng pagsisismula sa pag-iikot at pamamahagi ng tulong ng provincial government sa mga residente ng lalawigan.
PDRRMO PIC

Facebook Comments