Mga Libreng Serbisyo ng Cauayan City Health Office 1, Tinalakay!

*Cauayan City, Isabela- *Tinalakay ng Medical Technology Laboratory ng City Health Office 1 ang kanilang isinasagawang programa dito sa Lungsod ng Cauayan sa ginawang Flag Raising Ceremony ng Pamahalaang Panlungsod kaninang umaga.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Ginang Grace Isidro, ang Senior Medical Technologist ng City Health Office 1, kabilang umano sa kanilang isinasagawang libreng serbisyo ay ang pagsasagawa ng Rapid Drug Test, Complete Blood Count test, Urinalysis, Pregnancy Test at iba pang mga serbisyo.

Dagdag pa ni Isidro, nakatakda rin umano silang magsagawa ng blood letting activity dito sa Lungsod ng Cauayan na kanila pang pag-uusapan ngayong araw.


Nananawagan naman si ginang Isidro sa lahat ng mga Cauayeño na makiisa sa kanilang isinasagawang programa sa Lungsod ng Cauayan.

Samantala, Wala na umanong gaanong natatanggap na report ang City Health Office na may kaugnayan sa sakit na dengue dahil na rin umano sa tulong ng LGU Cauayan City sa pagsasagawa ng kampanya kontra- dengue.

Facebook Comments