Manila, Philippines – Mistulang reunion ang muling pagsama-sama kanina ng ibat-ibang militanteng grupo na dumanas ng kalupitan noong panahon ng batas militar sa rehimeng Marcos.
Nagsama-sama ang grupo sa Quezon City Circle na pinangunahan ng Freedom of Debt Coalition, I-Depend at Laban ng Masa.
Sa pamagitan ng isang stage play ng mga kasapi ng PETA, o Philippine Education Theater Association, isinalarawan ang mga karahasan noong panahon ng batas militar.
Kung noon panahon anila ni Marcos, ang takot ay ang mga nasa opisisyon.
Ngayon panahon naman ni Duterte ang lahat ay takot na, dahil sa mga insidente ng extra judicial killings.
Igiinit ng mga lider na hindi sila papayag na muli naman maghari ang isang diktador.
Kasabay nito ay pinaalalahan ng grupo ang mga sasama sa paggunita sa ika-apatnaput limang taon anibersaryo ng batas militar bukas na mag-ingat, dahil sa banta ni Pangulong Duterte na ipapatupad ang batas militar.