Mga lider ng Kamara, inaatasan ang Comelec na palawigin ang deadline ng voter registration sa Oktubre 31

56

Inaatasan ng liderato ng Kamara na palawigin ang voter registration para sa 2022 national at local election.

Kaugnay nito ay inihain nina House Speaker Lord Allan Velasco, Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez at Minority Leader Joseph Stephen Paduano ang House Bill 10261 o ang panukalang ‘extension of registration of voters’.


Itinutulak dito na i-extend ang panahon ng pagpaparehistro ng mga botante hanggang Oktubre 31 mula sa orihinal na deadline na Setyembre 30.

Giit ng mga lider ng Mababang Kapulungan, dapat na palawigin ng Commission on Elections (Comelec) ang panahon ng pagpaparehistro ng mga Pilipino, dahil marami ang na-delay ang pagpaparehistro dahil sa pandemya at upang maiwasan ang posibilidad ng “massive voter disenfranchisement”.

Ang House Bill nina Velasco, Romualdez at Paduano ay ni-refer na sa House Committee on Suffrage and Electoral Reforms.

Facebook Comments