Asphyxia, dahilan ng pagkamatay ng Filipino painter na si Bree Jonson ayon sa PNP-Region 1

284

Dahil sa asphyxia o kakapusan ng hangin ang ikinamatay ng artist na si Briana “Bree” Jonson.

 

Ito ang kinumpirma ni PNP-Region 1 Director Police Brigadier General Emmanuel Peralta.


 

Aniya, ito ang lumalabas sa kanilang initial findings sa autopsy na ginawa kay Jonson na natagpuang patay sa resort sa La Union nitong Sabado.

 

Paliwanag pa ng opisyal na batay sa ginawang physical examination, walang indikasyon na nanlaban si Jonson.

 

Patunay na walang nangyaring physical confrontation sa kanyang napaulat na boyfriend na si Julian Ongpin.

 

Ito ay kahit na may nakakita kay Ongpin na sugatan nang lumabas ito sa kwarto kung saan sila nag-check-in, batay sa imbestigasyon ito ay bunga ng pwersahan nitong pagbukas sa kwarto na kinaroonan ni Jonson dahil hindi na ito nagpaparamdam o wala ng sumasagot dito ng ilang oras.



 

Samantala, lumalabas naman sa urine test na positibo sa cocaine ang nasawing si Jonson pero naghihintay pa sila ng resulta sa pagsusuri sa tissue ni Jonson.

 

Matatandaan na nagpositibo rin sa cocaine si Ongpin na anak ng bilyonaryong si Roberto Ongpin.


Facebook Comments