MGA LIDER NG KOOPERATIBA SA LUNGSOD NG CAUAYAN, PINULONG

Cauayan City, Isabela- Nagsagawa ngayong araw ng isang pagpupulong ang City Cooperative Development Council sa FLDY Colliseum upang pag-usapan ang mga isyu at hinaing ng bawat kooperatiba.

Ayon kay Ginang Slyvia Domingo, ang City Cooperative Officer ng Cauayan, tinipon at pinulong nito ang mga lider ng bawat kooperatiba sa Lungsod nang sa gayon ay maiparating ng mga kooperatiba ang kanilang mga problema na dapat matugunan at masolusyunan ng mga kinauukulan.

Isa na aniya rito ang hinaing ng ating mga magsasaka kaugnay sa presyo ng mga inputs, at presyo ng kanilang mga naaning produkto.

Sa isang araw na pagpupulong, pinag-usapan rin ang mga plano ng City Development Council para sa taong 2022 hanggang 2024 upang lalong matulungan, mapalago at mapalakas ang mga nabuong kooperatiba dito sa Lungsod ng Cauayan.

Sa ngayon ay nasa limampung (50) organisasyon ang nabuo sa Lungsod ng Cauayan na kinabibilangan ng Agricultural, Institutional at Producers Cooperative.

Ayon pa kay Ginang Domingo, lahat aniya ng mga hinaing na idinulog at iprinesinta ng mga kooperatiba sa nasabing meeting ay lilikumin ng City Development Office para magawan ang mga ito ng resolutions at mailapit sa mga kinauukulang ahensya para mabigyan ng tugon at matulungan din ang mga miyembro ng Kooperatiba.

Facebook Comments